Noong, hulyo 2010, may programang nilabas ng AHS na pangalan SHAM. Ito ay ginawa para mas maraming estudyante mag-ehersisyo araw-araw. Ang estudyante ay nakukuka ng puntos sa bawat araw siya nag-ehersisyo. Kaya ang tatlong estudyante na may pinakamaraming puntos pagkatapos ng buwan ng hulyo ay makukuha ng premyo mula sa AHS. Kaya sa buong buwan na iyon ang daming estudyante naglalaro sa buong araw. Mayroon maraming bata naglalaro ng basketball, mga bata naglalaro ng futsal at table tennis sa Covered Courts ng AHS. Sa labas naman, ang daming bata naglalaro ng football na lahat ng 3 bukid ay ginagamit. At kapag hindi ka maingat baka matamaan ka ng mga bata na tumatakbo lang para malaman nila kung sino mas mabilis. Ang dami pang iba’t ibang ehersisyo nilalaro ng mga bata kaya ang saya ng buwan na iyon para sa akin kasi ang dali lang makahanap ng kasamang makalaro. Kaya salamat sa buwan na iyon kasi hindi lang ako mayroon kasamang kalaro sa football pero dumami and bilang ng mga kaibigan ko.
Lunes, Pebrero 28, 2011
Robbie Andres (Paglalarawan ni Greg Andaman)
Si Robbie ay ngayon ko pa lang nagging kaklase ngunit kilalang-kilala ko na siya. Mahilig sa putbol si Robbie. Sobrang galing rin nya sa putbol na nakapasok siya sa UAAP. Masayahin siya kahit na naaapektuhan siya ng bagay na masama. Hindi man o milimit mo siya makikitang nakasimangot. Kahit na magaling na inglisero si Robbie, sinisikap niya niya ng makasalita ng Filipino.
Hindi lang tin ang sarili ang tinutulungan ni Robbie, tinutulungan niya ang lahat sa kanyang paligid, kaaway o kaibigan. Akalain mong hindi gaanong mayaman si Robbie, pero talagang mayaman siya. Halos masyadong mabait sa tignan si Robbie para akalaing mayaman siya. Nang ininterview ko si Robbie, napansin ko na lahat ng gusto niyang ginagawa ay lagi niyang tinitignan sa mga positibong aspeto. Sa lahat din ng kanyang nadadaanan, mapasalamat na tinatapos niya ang mga ito. Sa lahat ng aking nasabi ay masasabi na nating isang “Awesome Guy” si Robbie na mahirap magkaroon ng “Haters.”
Greg Andaman (Pagsanaysay sa Buwan ng Hulyo)
Hindi ko alam kung inaabangan ito ng mga kaklase ko pero noong araw na ito, pumasok ako ng normal at hindi kabado, at makiimbiyansa. Ngunit nagbago ito noong pagpasok ko ng silid-aralan. Nakita kong nakakaba-kaba ang aking mga kaklase. Nagtanong ako kung ano mayroon ngunit ang mga sagot nila ay “HA? HINDI MO ALAM?” kaya hindi ko nalang pinaki. Nang matapos ang huling aral namin bago ang SSP, nagagalak ako at patapos na ang araw sa skul. Nang pagpasok ng titser, may hawak siyang maraming “blue forms.” Bigla akong “napaflashback” sa Unang Taon nang una kong matanggap ang isang “blue slip” na halos nakamarka ang lahat ng bilog sa blue slip ko. Kaagad akong kinaba at sana wala akong “advisory marks.” Kauna-una man akong tinawag dahil nasa “A” ang aking pangalan. Ang natutunan ko ay alamin mo ang skedyul mo bago ka pa mabigo.
Greg Andaman (Paglalarawan ni Robbie Andres)
Para sa akin si Greg Andaman ay isang inspirasyon at modelo para sa lahat ng Atenista. Ito ay dahil, sobrang masipag siya sa eskwelahan. Lagi niyang ginagawa lahat ng takdang aralin niya at hindi siya nag-iingay tuwing klase. Sobrang matulungin din si Greg sa ibang tao. Sa mga kaklase niya, kapag nahihirapan sila sa eskwelahan o di nila maintindihan ang liksiyon, tutulungan niya sila para maintindihan nila ito. Sa mga guro naman, kapag marami silang gamit binubuhat, lagi niyang tutulungan sila sa pagbuhat nito. Hindi lang tumitigil doon, musikero din siya. Sobrang galling niya gamitin ang Saxaphone at pagkarinig mo siya, mapapaiyak ka sa sobrang galling. Matalino, mabait at musikero din siya mayroon pa ba? Atletiko pa si Greg kaya sobrang malusog at batak niya. Barsity siya sa judo at nagsasanay sila araw-araw. Ito ang mga dahilan kung bakit tingin k okay Greg Andaman bilang isang tunay na Atenista.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)